Martes, Pebrero 6, 2018

Panitikan ng Persia- Si Rustam at si Sohrab

Image result for persia

Isa sa pinakakilala at pinakamatandang literatura sa mundo ay ang panitikan ng Persia o mas kilala bilang Iran sa kasalukuyan. Ito ay umaabot ng dalawang libo’t kalahating taon ngunit ang karamihan sa mga nagmula sa pre-islamic na mga akda ay nawala.

Image result for rustam at sohrab
Ang isa sa mga nabasa kong panitikan ng Persia ay ang “Si Rustam at Si Sohrab”. Ito ay nagmula sa epiko ng Shahnameh. Ang Epikong Shahnameh ay itinuring na isa sa napakahahalagang panitikan ng Persia. Inilahad ng epiko ang mahabang kasaysayan ng mga sinaunang tao sa Iran. Nagsimula ito sa paglikha ng sangkatauhan, sa pinagmulan ng sibilisasyon hanngang sa pagsakop ng Arabo sa Persiya noong ika-labimpitong siglo. Ito ay isinulat ni Hakim Abul-Qasim o mas kilala sa pangalang Ferdowsi Tusi. Ang epikong ito’y binubuo ng 60,000 na berso.
Image result for rustam at sohrab
Dadalhin kayo ng makukulay na tauhan ng Shahnameh sa mga kamangha-manghang pakikipagsapalaran, makakadurog-pusong kuwento ng pag-iibigan, at walang hanggang tunggalian.

Ang  mga tema ng epiko ay pagmamahal sa lupang sinilangan, masakit na katotohanan, at karahasang walang katwiran.

Naipakita sa epiko kung gaano kaimportante ang pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang lupang sinilangan. Naging masakit ang katotohanan para kay Rustam dahil huli na ang lahat nang nalaman niya na may anak pala sila ni Prinsesa Tahmina. At higit sa lahat, nagkaharapan lang ni Sohrab, ang kanyang lalaking anak, ng dahil lang sa digmaan kung saan nagpapahiwataig ng ideyang karahasang walang katwiran.

Ito ang mga tagpuan mula sa epiko. Kilalanin ang mga kahanga-hangang tauhan ng Shanameh. Sa aklat na Pluma, ang mga importanteng bahagi o pangyayari ng epiko ang tanging inilagay. Kaya ito ang buod ng magagandang epiko

Image result for tauhan sa si sohrab at si rustamAng mga mahahalagang kaisipan o mga aral na taglay ng akda ay dapat alam natin na may mga bagay na biglang nawawala at bigla ring dumarating sa ating buhay. Kagaya ng pagmamahalan nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang biglaang pagkikita ni Sohrab at Rustam. Dapat binibigyan natin ng importansya kahit gaano kaliit ang bagay na iyon dahil hindi natin alam kung kailan ito mawawala sa ating piling. Dapat mapagmahal tayo sa pamilya, sa ating mga kaibigan, at sa kapwa. Gayahin natin ang si Rustam na masyadong mapagmahal at maaalalahanin kahit sa kanyang kabayong si Rakhsh.

Image result for tauhan sa si sohrab at si rustam Para sa pangwakas na kaisipan, ang buhay ni Rustam ay naging makabuluhan ngunit mapait. Naging isa siyang magiting na mandirigma, may matapang siyang kaibigang kabayo na si Rakhsh at nakilala niya ang kanyang kasintahan. Isa siya sa mga magagaling na mandirigma o tagapagtanggol ng Persia ngunit hindi niya nagawang ipagtanggol ang kanyang pag-ibig para kay Prinsesa Tahmina. Hindi niya alam na may anak pala silang lalaki, isang magiting na mandirigma tulad niya, sapagkat hindi niya binalikan ang prinsesa. Kakaiba man ang kanyang lakas at katapangan pero hindi niya naiwasto nang maayos ang kanyang buhay dahil hindi niya nakilala nang mabuti si Prinsesa Tahmina at ang kanilang anak na si Sohrab. Nakapiling lamang niya si Sohrab sa una at huli nilang pagkikita.

Sa tulong ng panitikang ito, mapanuri mong maihahayag ang damdamin o emosyon at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili, lipunan, at daigdig. Mapapansin natin kung ano ang kultura ng mga Taga-Persia o kilala ngayon na bansang Iran sa pamamagitan ng pagtuklas natin sa akdang Si Rustam at Si Sohrab, isang epiko ng bansa.