Isa sa pinakakilala at pinakamatandang
literatura sa mundo ay ang panitikan ng Persia o mas kilala bilang Iran sa
kasalukuyan. Ito ay umaabot ng dalawang libo’t kalahating taon ngunit ang
karamihan sa mga nagmula sa pre-islamic na mga akda ay nawala.
Ang isa sa mga nabasa kong panitikan
ng Persia ay ang “Si Rustam at Si Sohrab”. Ito ay nagmula sa epiko ng
Shahnameh. Ang Epikong
Shahnameh ay itinuring na isa sa napakahahalagang panitikan ng
Persia. Inilahad ng epiko ang mahabang kasaysayan ng mga sinaunang tao sa Iran.
Nagsimula ito sa paglikha ng sangkatauhan, sa pinagmulan ng sibilisasyon
hanngang sa pagsakop ng Arabo sa Persiya noong ika-labimpitong siglo. Ito ay
isinulat ni Hakim Abul-Qasim o mas kilala sa pangalang Ferdowsi Tusi. Ang
epikong ito’y binubuo ng 60,000 na berso.
Dadalhin kayo ng makukulay na tauhan
ng Shahnameh sa mga
kamangha-manghang pakikipagsapalaran, makakadurog-pusong kuwento ng
pag-iibigan, at walang hanggang tunggalian.
Ang mga tema ng epiko ay pagmamahal sa lupang
sinilangan, masakit na katotohanan, at karahasang walang katwiran.
Naipakita
sa epiko kung gaano kaimportante ang pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang
lupang sinilangan. Naging masakit ang katotohanan para kay Rustam dahil huli na
ang lahat nang nalaman niya na may anak pala sila ni Prinsesa Tahmina. At higit
sa lahat, nagkaharapan lang ni Sohrab, ang kanyang lalaking anak, ng dahil
lang sa digmaan kung saan nagpapahiwataig ng ideyang karahasang walang
katwiran.
Ito ang mga tagpuan mula
sa epiko. Kilalanin ang mga kahanga-hangang tauhan ng Shanameh. Sa aklat na Pluma, ang mga importanteng bahagi o
pangyayari ng epiko ang tanging inilagay. Kaya ito ang buod ng magagandang epiko
Sa tulong ng panitikang ito, mapanuri
mong maihahayag ang damdamin o emosyon at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili, lipunan, at daigdig. Mapapansin natin kung ano ang kultura ng
mga Taga-Persia o kilala ngayon na bansang Iran sa pamamagitan ng pagtuklas
natin sa akdang Si Rustam at Si Sohrab, isang epiko ng bansa.